Powered By Blogger

Thursday, January 24, 2013

Mga napapanahong isyu ngayon: Kahirapan.


Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad?  Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng Kahirapan”, tama sila, at tama rin naman ang mga taong nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali.

Ang rason kung bakit patuloy pa rin ang paghihirap ng ating bansa ay ang mga sumusunod:

      1. Ang dahilan ng kahirapan sa Pilipinas ay kakulangan ng pagtutulungan.
      2. Digmaan .
      3. Pagmamalabis
      4. Krisis
      5. Maling pagtrato sa mga pulubi at mahihirap.
      6. Ibang priority ng may hawak ng pera
      7. Kakulangan sa pangangalaga sa kapakanan ng mga halaman at hayop.
      8. Pagtago ng pera ng ilan at hindi pinaiikot.
      9. Nabalitang corruption.
     10. Kakulangan ng disiplina ng mga tao .

Kung patuloy nating paiiralin ang ganoong mga pag-uugali, hindi uunlad ang ating bansa. Walang mangyayari. Walang makakamit na progreso ang Pilipinas. Ngunit ang naisip ko lamang na solusyon sa kahirapan sa ating bansa ay pagkakaroon ng DISIPLINA.
Ang hirap lang kasi yung iba wala naman yata sa bokabularyo nila ang salitang disiplina. Yun lang naman ang kelangan natin talaga. Hindi naman magagawa ng iisang tao ang pagbabago ng buong bansa. Tayong lahat ang dapat gumalaw para magbago.

Tigilan na rin natin siguro ang crab mentality. Imbes na matuwa dahil may nararating ang iba, naiinggit pa ang iba. Imbes na magsikap para sa sarili nila, naghihintay na may ibigay na lang ang gobyerno sa kanila. Kaya walang nararating ang iba sa atin.

Disiplina nga ang kailangan. Karamihan sa atin, lahat na ng pangit na nangyayari sa buhay nila, sa gobyerno nila sinisisi. Hindi sila nakapag aral, gobyerno ang sisisihin, wala sila trabaho, gobyerno nanaman ang may kasalanan. Wala silang makain, gobyerno nanaman. Nakakapagtaka tuloy bakit may mga indibibwal na nagmula din sa miserableng buhay, subalit sa pagsisikap ay nakaahon.
 
Disiplina nga ang kailangan. Kapag may disiplina lahat ng magagandang kaugalian ay susunod na. Matutong magsipag at magtiyaga ang isang tao. Hindi rin gagawa ng mali. Hindi rin aasa lang sa bigay ng gobyerno at lalong hindi nito sisisihin ang gobyerno. Pero ang tanong, paano matuturuan ng disiplina ang taong wala nito?


Kumilos na tayo hangga't may oras pang natitira. Masosolusyunan natin ang kahirapan basta tayo ay nagtutulungan. Kaya kung ako sayo, tulungan mo ang sarili mo na magkaroon ng disiplina at maya-maya kapag talagang sa tingin mong tiyak na mayroon ka ng disiplina, tumulong ka na sa komunidad upang makagawa tayo ng mas maunlad at mabuting bansa.



36 comments:

  1. The Blog is good ... and its very helpful. Thanks ;)

    ReplyDelete
  2. isa ito sa matinding dinadanas ng ating bansang pilipinas ngayon

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga marami nang mga Filipino ang nag-hihirap ngayon.

      Delete
  3. Ito ang problema nating mga pilipino na hindi parin nasusulusyonan hanggang ngayon

    ReplyDelete
  4. pagkakaroon ng DISIPLINA...yan ang isa sa mga dapat nating taglayin bilang isang Pilipino...ng sa gayon ay makaalis tayo sa lugmok na kahirapan...

    ReplyDelete
    Replies
    1. taMa po kAu.dApat dIn po ay mAy paGkuKusa ang bawat isa sA atIn.tuLungaN po nAtin aNg atiNg mga sArili.hIndi nAman sa lAhat ng pagKakatAon ay Dapat tayOng umaSa sa gObyerno.aCt as A tRue Filipino.mAgsikap aNg bawAt isa ng sa ganOn ay mAkatulong taYo sa Iba at sa atIng mga sArili.yUn laMang po.

      Delete
    2. ang dami nang balita tungkol sa pglaganap ng kahirapn:-(sa bawat taon nga na sumasp8 eh nada2gdagn lng ang khirapan:(eh nasa tao dn nmn kc:/bk8 kc my mga taong walng pgku2sa:(asa lng sa bgay:,hnd man lng kumilos:,hnd tlga maka2alis ang tao sa lugmok na khirapan kung tayong mga tao ang pumupili sa madilim na kinalu2gmukan natin:(

      Delete
    3. Wala namang kahirapan kung walang korupsyon na nagaganap. Kaya yung korapsyon ang dapat na solusyunan at huwag ang kahirapan.

      Delete
    4. Korek.. Yun talaga ang unang-unang dapat taglayin ng isang tao.. Disiplinang magmumula sa sarili.. Hindi yung puro tayo pangarap tapos sa iba naten iaasa ang katuparan.. Kung gusto naten may marating,marapat lamang na kumilos tayo,. Isaalang-alang sana naten magiging buhay ng mga susunod pang henerasyon.. Wag n naten iparanas ang hirap na dinanas naten..

      Delete
    5. tama.. sa generation ngaun,, sobra tag hirap ang ang mga kapwa natin.. pero come to think of it.. we are still alive and planning to have or already have a family.. sana ung mga mkakabasa ng mga blog na to maisip nila na mg cmula na baguhin ang pananaw ng mga tao.. lets start with our kids... at ipamamana nila un sa mga mgiging anak dn nila.. kung sa panahon natin ai tag hirap,, atleast we find ways na mgbago un kahit panu for future generation... so lets start now!!! ibalik ang respeto disiplina at responsibilidad sa kapwa,,sa bayan at sa mundo...

      Delete
  5. Ang pagkakaroon ng DISIPLINA ang isa sa mga pangunahing katangian na dapat taglayin ng bawat mamamayan ng isang bansa para umunlad ito.. Dapat tayong magsikap sa ating mga sariling paa para kahit papano ay makaraos tayo sa kahirapang kinakaharap natin ngaun.. Dapat magsimla syempre ang pagiging disiplinado sa mga namumuno ng isang bansa. Gawin lamang nila ang kailangan nilang gawin at wag sana kuhanan ang mga pondong sa tao ng bayang nakalaan. Kapag nangyaring sa ang mga namumuno ng bansa ay naging DISIPLINADO paniguradong ang bansang nagkukumahog sa kahirapan ay makakaahon din ng paunti paunti. :)

    #justsaying

    ReplyDelete
  6. May magagawa b ang isang mahirap. May laban b kaya kami sa mga makapangyarihan?

    ReplyDelete
  7. May magagawa b ang isang mahirap. May laban b kaya kami sa mga makapangyarihan?

    ReplyDelete
  8. ou ganun na nga disiplina lang talaga ang kulang sabi kunga try a lettle harder to be a lettle better

    ReplyDelete
  9. ou ganun na nga disiplina lang talaga ang kulang sabi kunga try a lettle harder to be a lettle better

    ReplyDelete
  10. Sa tingin nyo po pano po natin ito mapapagaan?? I mean ung problema po ngayun about dyan sa kahirapan pano po natin ito mapapagaan na parang nasa isa kang comedy bar (diko po ito ginagawang katatawanan)

    ReplyDelete
  11. Kahirapan? Isang hadlang sa pag-unlad at itinuturing na sakit na patuloy na lumalaganap na parang "kanser ng ating lipunan." Ang kahirapan ay kailangan labanan para sa kinabukasan ng nga kabataan. Sa blog na ito, nililinaw ang mga kadahilanan ng kahirapan, mga rason na dapat bigyang pansin sa bayan ni Juan. Pero paano nga kaya natin ito malalabanan? Ang sagot, disiplina ang kinakailangan, at pagtutulungan ang susi sa kinabukasan. Sabi nga sa isang kasabihan, "Walang maghihirap kung ang lahat ay marunong magsumikap." Ang pag-uugaling tamad ay dapat iwaksi, at ang pagiging masipag ay maghari. Dahil ang lahat ay nakasalalay sa kamay ng bawat isa at hindi lang nang iisa, hindi lang sa pamahalaan kundi sa buong bayan ni Juan. May magagawa tayo, kung tatayo tayo ng nagkaka-isa at nagtutulungan... ang kahirapan ay masusulusyunan.

    ReplyDelete
  12. Kahirapan? Isang hadlang sa pag-unlad at itinuturing na sakit na patuloy na lumalaganap na parang "kanser ng ating lipunan." Ang kahirapan ay kailangan labanan para sa kinabukasan ng nga kabataan. Sa blog na ito, nililinaw ang mga kadahilanan ng kahirapan, mga rason na dapat bigyang pansin sa bayan ni Juan. Pero paano nga kaya natin ito malalabanan? Ang sagot, disiplina ang kinakailangan, at pagtutulungan ang susi sa kinabukasan. Sabi nga sa isang kasabihan, "Walang maghihirap kung ang lahat ay marunong magsumikap." Ang pag-uugaling tamad ay dapat iwaksi, at ang pagiging masipag ay maghari. Dahil ang lahat ay nakasalalay sa kamay ng bawat isa at hindi lang nang iisa, hindi lang sa pamahalaan kundi sa buong bayan ni Juan. May magagawa tayo, kung tatayo tayo ng nagkaka-isa at nagtutulungan... ang kahirapan ay masusulusyunan.

    ReplyDelete
  13. Tama, disiplina nga ang kakailangan ng bawat isa sa'tin para magtagumpay at umunlad ang ating bansa.
    #MakiisaTayoParaSaPagbabago

    ReplyDelete
  14. Tama, disiplina nga ang kakailangan ng bawat isa sa'tin para magtagumpay at umunlad ang ating bansa.
    #MakiisaTayoParaSaPagbabago

    ReplyDelete
  15. So paano yung ating mga magsasaka halimbawa sa hacienda luicita na kahit anong disiplian at pagsisipag nila ay hindi umuunlad at tumataas ang sahod nila, nanatiling 10 pesos kada semana pa rin ang kitab nila. Sipag at tiyaga pa rin ba ang solusyon dito?

    ReplyDelete
  16. Sa isang gobyernong pasista, burukrata kapitalista, laging kawawa ang ating mga manggagawa. Hindi tayo binabayaran ng sakto at tama sa kaakibat nating trabaho. Ang ilan nga ay wala pa sa minimum wage ang kinikita. Sa makatuwid masasabi ko na kahit ang buong masa ay lahat disiplinado at masisipag wala ri itong silbi kung ang gobyerno ay hindi interes ng masa ang pinagsisilbihan. Hindi nga nabanggit doon ang kakulangan sa edukasyon. 4 mula sa 10 lag ng mga mag-aaral sa Pilipinas ang nakakapag-aral sa college kaya natural na ang kahahantungan nila ay sa blue-collar jobs na hindi sapat magpasahod. Hindi sila nakakapag-aral dahil mahal ang edukasyon sa kolehiyo. Marapat ngang isulong natin ang libreng edukasyon, tungkulin din kasi ito ng gobyerno kung yun ang interes nating mamamayan. Ang gobyerno ay ginawa para pagsilbihan ang interes ng mga tao, ng masa at hindi ng mga imperyalista at elitista. Ang demokrasya, sabi pa nga ng ibang pilosopo, ay gobyerno para sa mag mahihirap. Ngunit bakit hindi nito pinagsisilbihan ang mga mahihirap? Mas malaki nga siguro ang kilos na dapat gawin ng gobyerno. Sapagkat sa kanila magmumula ang aksyon tungo sa pag-unlad. Pagyamanin ang edukasyon upang makadebelop tayo ng mga taong matatalino at imbentor. Magpatupad ng mga batas na para sa mahihirap.

    Idadagdag ko na rin. Sana gamitin naman nila ang wikang Filipino sa mga diskurso sa pamahalaan at paggawa ng batas upang maintindihan sila ng masa, kasi para sa masa naman talaga dapat ang mga iyon. Lalo lang nilang inilalayo ang gobyerno sa tao e. Kaya sa konteksto natin dito sa Pilipinas parang hindi katanggap-tanggap ang sabing "Ignorance of the law is not an excuse." kasi hindi naman talaga ito maintindihan ng marami sa atin; hindi lahat marunong sa Ingles.

    ReplyDelete
  17. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  18. salamat sa karagdagan impormasyon, salamat talaga

    ReplyDelete
  19. True..kailangan lang talaga natin ng disiplina. At syempre dapat may tiwala at pananalig sa Diyos kasama ng tiyaga at pagpapalain ka ng Diyos at makakaahon ka rin

    ReplyDelete
  20. Visit: https://samuelgsoliman.wixsite.com/mademyday

    ReplyDelete
  21. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  22. True..kailangan lang talaga natin ng disiplina. At syempre dapat may tiwala at
    pananalig sa Diyos kasama ng tiyaga at pagpapalain ka ng Diyos at makakaahon ka rin

    ReplyDelete
  23. Correction po "Nabalitaang corruption" it should be "Corruption hanggang sa kaliit-liitang sangay ng pamahalaan."

    ReplyDelete
  24. Sino po ang nagsulat ng akdang a ito?

    ReplyDelete
  25. Maganda .. kaso bakit parang ang disiplina dito ay parang sa mga normal na mamamayan lang? Dapat binigyan diin o binanggit manlang ang disiplina ng mga namumuno.. Kasi minsan nandun na ung pagsusumikap at disiplina kaso nahahadlangan ng mga nasa taas... Korapsyon po ang isa sa pangunahing sanhi ng kahirapan :) should emphasized. Hehe salamat may counter-agrument na 'ko sa position paper ko ;)

    ReplyDelete
  26. Hindi sapat ang disiplina kung ang sistema mismo ay baluktot

    ReplyDelete
  27. Westcott scissors titanium - Titanium Art
    Westcott scissors titanium mens ring titanium Stainless steel used ford edge titanium double titanium teeth dog edge used ford escape titanium razor, babyliss nano titanium flat iron nickel steel razor blades, chrome plated, brass oxide blade blades,

    ReplyDelete